|
||||||||
|
||
ISANG malaking pagtitipon ang magaganap sa Manila Hotel bukas ng hapon sa pagtatagpo ng mga mangangalakal na Tsino at Filipino sa pamamagitan ng Bank of China.
Ang Bank of China, ang ika-apat na pinakamalaking bangko sa daigdig, ay umaasanag mapalalakas ang pagtutulungan sa larangan ng ekonomiya sa pagiging tulay sa pagitan ng mga small and medium enterprises sa dalawang bansa.
Higit sa 300 small at medium enterprises mula sa Tsina at Pilipinas ang lalahok sa matchmaking process bilang bahagi ng Bank of China SME Cross-Border Trade and Investment Conference upang magkaroon ng ugnayan at pagtutulungan ang magkabilang panig.
Kalahok sa mga SME ang sangkot sa food processing, building materials, mga muebles, pagsasaka, pangingisda, e-commerce at Information Technology, construction, construction equipment, textile and garments, iron and steel, tourism at real estate.
Isang press briefing ang gaganapin bukas sa Manila Hotel.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |