Mula ika-23 hanggang ika-26 ng buwang ito, idaraos sa Hainan, Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong 2017. Ang tema ng pulong ay "Globalization and Free Trade: the Asian Perspectives."
Ayon sa ulat ngayong araw, Sabado, ika-18 ng Marso 2017, ng Sekretaryat ng BFA, lalahok sa pulong na ito ang mahigit 1700 panauhin mula sa 50 bansa at rehiyon, na kinabibilangan ng mga kinatawan ng pamahalaan, personahe ng sirkulo ng bahay-kalakal, at iskolar. Ipapadala rin ng 195 media ng 31 bansa at rehiyon ang mahigit 1000 tauhan sa pulong.
Sa panahon ng pulong, idaraos din ang 42 porum at 12 dialogue meeting, hinggil sa mga paksa ng globalisasyon, paglaki ng kabuhayan, reporma, new economy, at iba pa.
Salin: Liu Kai