|
||||||||
|
||
SINABI ni dating Immigration Commissioner at ngayo'y chairperson ng PAGCOR Andrea Domingo na 'di nararapat paniwalaan ang mga sinasabi ni Vice President Leni Robredo sapagkat gagawing lahat ng pangalawang pangulo upang maluklok na presidente ng bansa.
Ito ang buod ng kanyang talumpati sa harap ng mga banyagang dumadalo sa ASEAN Gaming Summit sa Conrad Hotel, Pasay City.
Nangangati na umano si Gng. Robredo na maluklok sa panguluhan. Ito rin ang kanyang sinabi sa idinaos na press conference sa Conrad Hotel. Naniniwala umano siya na interesado ang pangalawang pangulong maluklok sa Malacanang.
Binanggit din ni Chairperson Domingo na umaasa siyang makararating ang inaasahang isang milyong Tsino sa bansa sapagkat handa naman ang Pilipinas na gawing kaaya-aya ang kanilang pagdalaw sa bansa.
Samantala, sinabi rin ni Pagcor Chair Domingo na may isang kumpanyang Filipino na magtatayo ng isang US$ 500 milyong integrated resort sa Lapu-Lapu City. Inaasahang makatatawag pansin ito ng mga turista na hindi lamang casino ang dadalawin
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |