Naganap Miyerkules ng hapon, ika-22 ng Marso 2017, local time, sa London, Britanya, ang isang teroristikong pag-atake. Hanggang sa kasalukuyan, ikinamatay ito ng 5 katao na kinabibilangan ng ataker, at ikinasugat ng mahigit 40 iba pa.
Naganap ang insidenteng ito sa sentro ng London. Isang itim na sasakyan na minamaneho ng ataker ang nanagasa sa mga tao sa Westminster Bridge. Pagkatapos, bumangga ang sasakyang ito sa main gate ng Houses of Parliament, at bumaba ang ataker. Sa pamamagitan ng lanseta, pinagsasaksak ng ataker ang mga pulis doon. Binaril at pinatay siya ng mga pulis.
Pagkaraang maganap ang insidente, sinarhan ng panig pulisya ng Britanya ang Houses of Parliament at mga karatig na lugar, para sa imbestigasyon. Ipinatalastas nila ang insidente na teroristikong pag-atake.
Bilang tugon sa insidente, ipinatawag ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya ang pangkagipitang pulong ng gabinete, at ini-utos niya ang paglalagay sa kalahating tagdan ng pambansang watawat sa tanggapan ng punong ministro, bilang pagluluksa sa mga nasawi sa pag-atake. Sinabi rin niyang babalik sa normal na takbo ang London, at hinding hindi yuyuko ang Britanya sa terorismo.
Salin: Liu Kai