Dumalo kahapon, Huwebes, ika-23 ng Marso 2017, sa Canberra, Australya, si dumadalaw ng Premyer Li Keqiang ng Tsina sa bangketeng panalubong na inihandog ni Punong Ministro Malcolm Turnbull ng Australya.
Sa kanyang talumpati sa bangkete, binigyang-diin ni Li ang kahalagahan ng pangangalaga sa malayang kalakalan, pagpapasulong ng katatagan at kapayapaan ng rehiyon, at pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at Australya batay sa paggalang sa isa't isa. Ani Li, ang mga ito ay mga pangunahing target ng kanyang biyahe sa Australya. Umaasa rin aniya siyang mararating, kasama ng mga lider na Australyano, ang komong palagay hinggil sa mga isyung ito.
Salin: Liu Kai