|
||||||||
|
||
MASAMA ang loob ng mga kasama sa non-government organizations nang hindi sila makapasok sa ASEAN Forum on Taxation, ang dalawang araw na pagpupulong na nagtapos kahapon. Pinag-usapan ng mga delegado ang tungkol sa pag-buo ng ASEAN tax treaty network.
Nababahala ang mga kabilang sa Freedom from Debt Coalition na hindi sila pinapasok samantalang nagpahayag ng pagiging bukas ang ASEAN sa pakikiisa ng mga kinatawan ng iba't ibang civil society organizations. Sinabihan umano sila ng Bureau of International Trade Relations na pinayuhan sila ng Department of Finance na hindi magkakaroon ng pakikipausap sa civil society.
Halos walang alam ang mga mamamayan sa dumaraming kasunduan sa pagbubuwis na kinabibilangan ng mga kinikilalang tax haven o pagkakaroon ng financial secrecy jurisdictions. Mahalaga itong mabatid ng publiko sapagkat mula sa lukbutan ng mga mamamayan nagmumula ang salapi ng bansa at kung anong biyaya ang ibibigay sa mga mangangalakal.
Ang paggagawad ng preferential tax treatment sa mga kabilang sa kasunduan, ang tax treaties ay kinikilalang paraan para sa pag-iwas sa buwis ng mga pribadong korporasyon. Malaki umano ang posibilidad na magkaroon ng double non-taxation o kitang hindi mabubuwisan man lamang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |