|
||||||||
|
||
IBINALITA ng Malacanang na aabot sa 4,000 mga claimants ang makatatanggap ng kanilang bayad-pinsala sa tinamong pasakit noong panahon ng Batas Militar ni (Pangulong) Ferdinand Marcos. Bahagi pa lamang ito ng kanilang claims mula sa Human Rights Victims Claims Board.
Magaganap ang paglalabas ng kabayaran matapos ilipat ng Bureau of Treasury ang P 300 milyon tungo sa Human Rights Victims Claims Board bilang partial monetary reparation. Lumiham na ang HRVCB sa Department of Budget and Management upang ilabas na ang pondo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella, ipamamaghagi ng lupon ang 50% ng kabuuhang halaga sa unang 4,000 eligible claimants na binubuo ng 2,661 conclusively presumed victims at 1,339 na bagong aplikante.
Matapos ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga kinatawan ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) noong Enero, nag-utos na ang pangulong madaliin ang kabayaran sa mga biktima ng Martial Law.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |