IPINAGDIWANG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika-72 kaarawan kasama ang kanyang mga apo na surpresang dumalaw sa kanyang tahanan sa Davao City.
Kabilang sa mga dumalaw ang kanyang pinakabunsong apo, si Marco Digong, anak ni Davao City Mayor Sara Duterte at Atty. Manases Carpio. Niyakap at hinalikan ng mga apo si Pangulong Duterte at mga anak sa unang maybahay na si Elizabeth Zimmerman. Dumalaw din ang anak ni Pangulong Duterte kay Cielito Avancena na si Veronica.
Sa naunang press conference, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang magkaroon ng higit na panahon kasama ang kanyang pamilya.