Kinumpirma kahapon, Martes, ika-28 ng Marso 2017, ng Embahada ng Tsina sa Pransya, na noong ika-26 ng buwang ito, binaril at pinatay ng plainclothes police ng Pransya ang isang mamamayang Tsino sa kanyang bahay sa Paris.
Ayon sa ulat ng naturang embahada, iniharap ng panig Tsino sa panig Pranses ang representasyon, bilang kahilingang siyasatin sa lalong madaling panahon ang katotohanan, at bigyan ng makatarungan at makatwirang paliwanag ang pangyayaring ito. Hinihiling din ng panig Tsino sa panig Pranses, na igarantiya ang kaligtasan at lehitimong karapatan ng mga mamamayang Tsino sa lokalidad.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Pransya, na isinasagawa na ang imbestigasyon sa pangyayaring ito. Dagdag niya, ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayang Tsino ay priyoridad ng pamahalaan ng Pransya.
Salin: Liu Kai