Ipinatalastas Sabado, Abril 1, 2017 ng Tsina na itatatag ang Xiongan New Area sa lalawigang Hebei para pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng Beijing, Tianjin at Hebei.
Ang mga pangunahing gawain ng nasabing sona ay magtatampok sa mga bagong sibol na industriya, high-tek na industriya, at konstruksyon ng ekolohikal na kapaligiran
Ang sonang ito ay nasa gitna ng Beijing, Tianjin at lunsod ng Baoding ng lalawigang Hebei. At sumasaklaw ito ng tatlong bayan na gaya ng Xiongxian, Rongcheng at Anxin, at ilang lugar sa paligid ng mga ito.