Phnom Penh, Abril 4, 2017 -- Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong pambansang stadium ng Kambodya na pinoponduhan ng Tsina. Pagkaraan ng konstruksyon, ang stadium ay magiging pangunahing pasilidad ng South East Asian Games na idaraos sa taong 2023 sa Kambodya. Dumalo sa ground breaking ceremony sina Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, at mga opisyal, atleta at estudyante ng Kambodya.
Ang hugis ng stadium na ito ay parang layag, at ang design ay itinakda ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Punong Ministro Hun na ang bagong stadium ay makakatulong sa pag-unlad ng palakasan, kultura, edukasyon at lipunan ng Kambodya. At pinasalamatan niya ang pagkatig ng pamahalaan ng Tsina, aniya, ang stadium ay simbolo ng di-mababagong pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Kambodya at Tsina.
Ipinahayag ni Xiong na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kooperasyon sa Kambodya sa kultura at palakasan. Ang bagong stadium sa Kambodya ay may pinakamalawak na saklaw at nasa pinakamataas na antas sa lahat ng mga stadium na pinoponduhan ng Tsina sa iba pang bansa.
salin:Lele