|
||||||||
|
||
MULA sa Riyadh, Saudi Arabia, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang kumilos ang Kongreso upang mabuo ang hiwalay na kagawaran para sa overseas Filipino workers at magkaroon ng national ID system
Sinabi ni G. Duterte ang mga bagay na ito sa kanyang talumpati sa may 1,000 manggagawang naipon sa Marriott Makarim Hall kahapon.
Mayroon na umanong panukalang batas sa Kongreso hinggil sa national ID System upang madali ang transaksyon ng mga manggagawang nangingibang-bansa.
Magkakaroon na rin ng konsulado ng Pilipinas sa Al-Khobar sa silangang bahagi ng Saudia Arabia upang maglingkod sa mga manggagawa na kailangan pang maglakbay ng 400 kilometro patungo sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh o sa konsulado sa Jeddah.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |