Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-unlad ng Tsina sa unang tatlong buwan, pabor sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-04-18 18:30:25       CRI

PABOR SA PILIPINAS ANG UMUUNLAD NA TSINA. Ikinatuwa ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang 6.9% growth sa GDP ng Tsina sa unang tatlong bun ng 2017. Maraming mabibili ang Tsina sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Dominguez. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang mga balitang umabot sa 6.9% ang kaunlaran sa Gross Domestic Product ng Tsina sa unang tatlong buwan ng taon ay makabubuti sa Pilipinas.

Sa isang dagliang panayam bago nagsimula ang paglulunsad ng Dutertenomics Forum sa Conrad Hotel, sinabi ni G. Dominguez na mangangahulugan ito ng mas maraming bibilhin ang Tsina sa Pilipinas tulad ng mga integrated micro-circuits.

Napakaganda nito para sa Pilipinas, dagdag ni G. Dominguez.

Pagpapatunay lamang ito na tama ang desisyon ni Pangulong Duterte na baguhin ang prayoridad sa ekonomiya at ituon ang pansin sa Asia.

Idinagdag pa ni G. Dominguez na mula ngayong buwan hanggang sa darating na Setyembre ay inaasahan niya ang pagpasok ng US$ 75 milyon mula sa Tsina para sa dalawang tulay na ipinagkakaloob sa Pilipinas.

Lumabas na rin sa Chinese media na lalahok si Pangulong Duterte sa gaganaping "Belt and Road Summit" na nakatakdang gawin sa buwan ng Mayo sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>