|
||||||||
|
||
UMABOT sa 26 ang nasawi samantalang higit sa 20 katao ang nasugatan matapos mahulog ang bus na kanilang sinasakyan sa isang bangin sa Carranglan, Nueva Ecija kaninang umaga.
Ayon sa mga balitang nakarating sa Maynila, sinabi ni Sr. Inspector Robert de Guzman, pinuno ng pulisya sa Carranglan, naganap ang sakuna bago sumapit ang katanghalian kanina. Nakita ng mga mamamayan ang rumagasang minibus patungong Candon, Ilocos Sur ng mahulog ito sa banging may lalim na 80 hanggang 100 talampakang bangin. Hindi na pakikinabangan ang bus, dagdag pa ni G. De Guzman.
Dinala ang mga nasawi at sugatan sa tabing-daan. Naisugod naman sa ospital sa Bambang, Nueva Ecija ang mga sugatan. May 18 sa mga nasawi ang kababaihan, may pitong lalaki at isang bata.
Maayos ang papeles at mga rehistro ng bus. Sinabi ni Mayuor Mary Abad, madalas na umanong nagaganap ang sakuna sa bahaging ito ng national highway. Nawalan umano ng preno ang sasakyan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |