Ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-19 ng Abril 2017, ni Liu Ying, Pangalawang Puno ng Komisyon ng Pagpapaunlad at Reporma ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, na sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, maganda ang kooperasyon sa production capacity ng lalawigang ito at ilang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa nabanggit na opisyal, sa kasalukuyan, ang isinasagawang kooperasyon sa production capacity ng Yunnan at ilang bansang ASEAN, ay kinabibilangan ng mga proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura, pagtatayo ng economic develompent zone, at industriya ng metalurhiya sa Laos, konstruksyon ng paliparan sa Kambodya, konstruksyon ng industrial park at puwerto sa Myanmar, at iba pa.