Idinaos kahapon, Abril 26, 2017, sa Haikou, Punong Lunsod ng Lalawigang Hainan ng Tsina, ang Simposyum ng Hainan at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2017.
Ang simposyum ay inorganisa ng ASEAN-China Center at Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Regional Centre for Higher Education and Development (RIHED). Dumalo ang mahigit 80 kinatawan mula sa mga departamento ng edukasyon at 19 na pamantasan ng mga bansang ASEAN at Hainan.
Nagpalitan ang iba't ibang panig ng mga palagay hinggil sa kooperasyon ng Hainan at ASEAN sa higher education sa ilalim ng framework ng "Belt and Road" Initiative.
salin:Lele