|
||||||||
|
||
GINUNITA sa pamamagitan ng Misa ang pagkawala ni Jonas Burgos, anak ng peryodistang si Jose G. Burgos, Jr. na dinukot sampung taon na ang nakalilipas samantalang kumakain sa isang shopping mall sa Quezon City.
Idinaos ang misa sa Bulwagang Diokno sa Commission on Human Rights sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang ganap na ika-siyam ng umaga.
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, sampung taon na mula ng madukot si Jonas Burgos at nagiging mailap pa rin ang katarungan. Dinukot si Jonas Burgos noong 2007 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagpapatupad ng Operation Plan Bantay Laya.
Wala ring nagawa si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na nangakong ilalabas si Jonas Burgos. Sinuportahan pa ni G. Aquino ang enforced disappearances at iba pang paglabag sa karapatang pangtao.
Ikinalungkot ng BAYAN na ang sinasabing nasa likod ng pagdukot na si Lt. General Eduardo Ano ang siyang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines. Sinabi ng BAYAN na si Año ang commanding officer ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines noong 2007.
Nakalipas na ang sampung taon at 'di pa nadarakip ang mga nasa likod ng pagdukot kay Jonas Burgos, dagdag pa ng BAYAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |