Nagpadala ngayong araw, Mayo 11, 2017 ng mensaheng pambati si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina kay Alan Peter Cayetano sa kanyang pagkakatalaga bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Yang na sapul noong taong 2016, narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang komong palagay hinggil sa pagpapabuti at pagpapalago ng relasyong Sino-Pilipino. Bunga nito, bumalik na sa tumpak na landas ng pagtutulungang pangkaibigan at pangkapitbansa ang relasyon ng dalawang bansa, at pumasok na sa bagong yugto ang kanilang pagtutulungan kung saan maraming bunga ang natatamo sa iba't ibang larangan. Angkop ito aniya sa mga saligang interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Idinagdag pa ni Yang na ang misyon ni Kalihim Cayetano ay tumutok sa pagpapasulong ng pagtutulungang pangkaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Nakahanda aniya si Yang na buong-higpit na makipagtulungan kay Cayetano para magkasamang walang-humpay na mapasulong ang pag-unlad ng relasyong Pilipino-Sino at makalikha ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac