|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) ngayong umaga, binuksan ang BRF High-Level Plenary Meeting.
Sa kanyang talumpati sa nasabing pulong na plenaryo, sinabi ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina na ang magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative ay nagtatampok sa konektibidad na pampatakaran, panlasangan, pangkalakalan, pansalapi at pantao para mapakinabangan ng mga mamamayan ng lahat ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Iniharap ni Pangalawang Premyer Zhang ang limang may kinalamang mungkahi.
Idinagdag pa niya, na sa susunod na limang taon, balak ng Tsina na iangkat ang mga panindang nagkakahalaga ng 8 trilyong dolyares, papasukin ang 600 bilyong dolyares at magbuhos ng 750 bilyong dolyares na puhunan. Kasabay nito, 700 milyong turistang Tsino ay maglalabakbay sa ibayong dagat. Winiwelkam aniya ng Tsina ang iba't ibang bansa na magtamasa ng pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina. Ipinagdiinan niyang ang pagtatatag ng Belt and Road ay umaasa sa ekstensibong pagsasanggunian at magkakasamang pag-aambag at sa gayon, magkakasamang maibahagi ang mga kapakinabangan sa lahat ng mga may kinalamang bansa. Inaasahan aniya niyang ang lahat ng mga kalahok ay makakapagkaloob ng talino at lakas para sa magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |