Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Belt and Road Initiative, nagtatampok sa sa konektibidad na pampatakaran, pangkomunikasyon, pangkalakalan, pampinansya at pantao

(GMT+08:00) 2017-05-14 11:44:41       CRI

Nagtatalumpati si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina sa BRF High-Level Plenary Meeting.

Pagkaraan ng seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) ngayong umaga, binuksan ang BRF High-Level Plenary Meeting.

Sa kanyang talumpati sa nasabing pulong na plenaryo, sinabi ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina na ang magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative ay nagtatampok sa konektibidad na pampatakaran, panlasangan, pangkalakalan, pansalapi at pantao para mapakinabangan ng mga mamamayan ng lahat ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.

Iniharap ni Pangalawang Premyer Zhang ang limang may kinalamang mungkahi.

Kaugnay ng konektibidad na pampatakaran, sinabi ni Zhang na dapat pahigpitin ang pag-uugnayang pamtakaran para patatagin ang pundasyong pulitikal para sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative. Sa prosesong ito, kailangang pantay-pantay na lumahok ang mga may kinalamang bansa at panig, magkakasamang magplano hinggil sa kaunlaran, at itakda ang roadmap at timetable para sa pagtutulungan sa iba't ibang larangan, dagdag niya.

Kaugnay ng konektibidad ng transportasyon at komunikasyon, sinabi ni Zhang na kailangang walang-humpay na pabubutihin ang network ng imprastruktura sa proseso ng pagtatag ng Belt and Road. Kabilang dito, sinabi ninyang hindi lamang kailangang pasulungin ang "hard" na pag-uugnayan sa lupa, himpapawid, karagatan, at Internet, kundi "soft" na pag-uugnayan na pampatakaran, alituntunain, at pamantayan.

Kaugnay naman sa koneksyong pangkalakalan, kailangan aniyang walang-tigil na pasulungin ang pagpapasigla ng pamilihan. Kasabay nito, kailangan ding paginhawahin ang kalakalan at pamumuhunan, palakasin ang pagbubukas ng pamilihan ng mga rehiyon, at itatag ang network ng malayang kalakalan para mapasulong ang paglago ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig, ani Zhang.

Tungkol sa konektibidad na pinansyal, sinabi ni Zhang na kailangang itatag ang iba't ibang sistema ng pangongolekta at pagbubuhos ng pondo at pamumuhuan. Dagdag niya, kailangang pasulungin ang inobasyon sa larangang ito para maitatag ang platapormang pinansyal sa iba't ibang lebel at mahikayat ang mga institusyong pinansyal na magbukas ng kani-kanilang sangay sa isa't isa. Kasabay nito, kailangan din aniyang itatag ang pangmatagalan, matatag, sustenableng sistemang pinansyal para sa pagtatatag ng Belt and Road kung saan makokontrol ang mga krisis at panganib.

Hinggil naman sa ugnayang pantao, sinabi ni Zhang na dapat pasiglahin ang diwa ng mga sinaunang Silk Road na pandagat at panlupa, para mapalakas ang pagtutulungan sa edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, media, serbisyong medikal, kalusugan at iba pa. Sinabi pa niyang kailangang pasulungin ang pagtuturo sa isa't isa sa pagitan ng mga sibilisasyon. Kailangan din aniya pang magkasamang pasulungin ang mga produktong panturismo na may katangian ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Kailangan ding hikayatin ang istilo ng pamumuhay na nagtatampok sa pagiging berde, low-carbon, recyclable at sustenable para itatag ang Belt and Road bilang mga berdeng makabagong Silk Road, ani Zhang.

Idinagdag pa niya, na sa susunod na limang taon, balak ng Tsina na iangkat ang mga panindang nagkakahalaga ng 8 trilyong dolyares, papasukin ang 600 bilyong dolyares at magbuhos ng 750 bilyong dolyares na puhunan. Kasabay nito, 700 milyong turistang Tsino ay maglalabakbay sa ibayong dagat. Winiwelkam aniya ng Tsina ang iba't ibang bansa na magtamasa ng pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina. Ipinagdiinan niyang ang pagtatatag ng Belt and Road ay umaasa sa ekstensibong pagsasanggunian at magkakasamang pag-aambag at sa gayon, magkakasamang maibahagi ang mga kapakinabangan sa lahat ng mga may kinalamang bansa. Inaasahan aniya niyang ang lahat ng mga kalahok ay makakapagkaloob ng talino at lakas para sa magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>