Sa seremonya ng pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation gayong araw, Mayo 14, 2017 , naglabas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang Magkakaisa para Itatag ang Silk and Economic Belt at 21est Century Maritime Silk Road.
Kaugnay ng konektibidad na pangkalakalan, sinabi ni Pangulong Xi na buong-sikap na nakikipag-ugnayan ang Tsina at ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road para mapaginhawa ang kalakalan at pamumuhunan. Nitong apat na taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, lumampas sa 50 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Limapu't anim (56) na Sonang Pangkalakalan at Pangkabuhayan ang naitatag sa mahigit 20 bansa, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bahay-kalakal na Tsino at dayuhan. Kabilang dito, ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ay nagkaloob ng $1.7 bilyong dolyar na pautang para sa 9 na proyekto ng ilang bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at umabot na sa 4 bilyong dolyares ang Silk Road Fund.
Salin: Jade
Pulido: Rhio