|
||||||||
|
||
Si Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa magkasanib na media briefing
Beijing, Tsina--Sa magkasanib na media briefing na idinaos, gabi ng Linggo, Mayo 14, 2017, ipinahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tampok ng talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) nang araw ring iyon ang kapayapaan, kooperasyon, pagka-inklusibo, mutuwal na pagkatuto, at mutuwal na benepisyo.
Ani Abella, ang Belt and Road Initiative ay isang plataporma ng internasyonal na kooperasyon at pag-unlad para sa ibat-ibang bansa.
Aniya, ang land-based na Silk Road Economic Belt ay hango sa sinaunang silk road na nagdurugtong sa Asya at Europa sa pamamagitan ng kalakalan mula sa Xi'an ng Tsina, Gitnang Asya, Gitnang Silangan, Europa, at Rusya.
Ang 21st Century Maritime Silk Road naman aniya ay nagsisimula probinsyang Fujian ng Tsina sa South China Sea, at dumaraan sa Indian Ocean, Red Sea, Mediteranian, hanggang Aprika.
Magkasanib na media briefing kagabi sa Beijing
Tulad ng sinaunang silk road sa lupa at silk road sa dagat, inaasahan aniya ng Pilipinas na ang Inisyatiba ng Belt and Road ay makapagbibigay ng kapayapaan at kasaganaan, hindi lamang sa Pilipinas at Tsina, kundi sa lahat ng bansang nakapaligid sa Belt and Road.
Ang Belt and Road ay tumutukoy sa Silk Road Economic Belt o Silk Road na Panlupa at 21st Century Maritime Silk Road o Silk Road na Pandagat.
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Belt and Road Initiative para mapasulong ang komong kasaganaan.
Ang Belt and Road Forum for International Cooperation, na idinaraos sa Beijing Tsina ay binuksan Linggo, Mayo 14, 2017 at tatagal hanggang Lunes, Mayo 15, 2017.
Ulat: Rhio
Edit: Jade
Larawan/Web-editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |