|
||||||||
|
||
Si Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry sa magkakasanib na preskon sa Beijing
Beijing, Tsina--Sa isang magkakasanib na preskon na idinaos, Linggo, Mayo 14, 2017 hinggil sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), sinabi ni Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang BRF ay ang platapormang pangkooperasyon ng Tsina kung saan isinusulong ang magkakasamang pag-unlad.
Aniya, nais talaga ng Tsina na ibahagi ang benepisyo, pag-unlad at kaalaman nito sa mga mamamayan ng mga bansa't kontinente ng mundo, tulad noong sinaunang panahon.
Ani Lopez, sa porum ng BRF nang araw ring iyon, dumalo ang mahigit 1,000 delegado at nabanggit din ang mahigit 30 kasunduan pangkooperasyon.
Aniya pa, ikinokonsolida ng Tsina ang mga pagpupunyagi upang maipakalat ang kapayapaan, harmonya, koooperasyon, mutuwal na pagkatuto, at prinsipyo ng mutuwal na benepisyo.
Si Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry sa magkakasanib na preskon sa Beijing
Dagdag niya, ito ang paraan ng Tsina upang sabihin sa lahat, na ito ang daan sa pagpuksa sa kahirapan.
Ang Belt and Road Forum for International Cooperation na idinaos sa Beijing Tsina mula Mayo 14 hanggang Mayo 15, 2017 ay nilahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Ang Belt and Road ay tumutukoy sa Silk Road Economic Belt o Silk Road na Panlupa at 21st Century Maritime Silk Road o Silk Road na Pandagat.
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Belt and Road Initiative para mapasulong ang komong kasaganaan.
Ulat: Rhio
Edit: Jade
Larawan/Web-editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |