|
||||||||
|
||
Kalahok sa summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, mga lider ng 29 na bansa na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa dalawang paksa: pagpapalakas ng pag-uugnayan ng mga patakaran at estratehiyang pangkaunlaran para palalimin ang partnership, at pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa connectivity para isakatuparan ang magkakasamang pag-unlad.
Sa kanyang talumpati sa summit, binigyang-diin ni Pangulong Xi, na ang Belt and Road Initiative ay iniharap ng Tsina, pero kabilang ito sa daigdig. Bukas aniya ang inisyatibang ito sa lahat, at hindi ito nakatuon sa anumang panig.
Ipinahayag din niyang ang Belt and Road Initiative ay malawakang kinakatigan ng komunidad ng daigdig. Kalahok aniya dito ang mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig, at sinimulan na ang maraming proyektong pangkooperasyon. Umaasa aniya si Xi, na sa pamamagitan ng Belt and Road Forum, itatakda ang mga plano hinggil sa kooperasyong pandaigdig sa usapin ng Belt and Road.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |