|
||||||||
|
||
Sa preskon pagkatapos ng porum, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng porum na ito, naragdagan ang komong palagay ng iba't ibang panig hinggil sa kooperasyong pandaigdig sa pagpapasulong ng Belt and Road Initiative, at ipinakita ang positibong signal hinggil sa magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang panig sa usaping ito.
Sinabi niyang sa susunod na yugto, pasusulungin ng iba't ibang kalahok na panig ang Belt and Road Initiative sa mas malaking saklaw at mas malawak na antas. Aniya, magkakasamang gagalugarin ng iba't ibang panig ang bagong lakas-tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan, bubuuin ang bagong plataporma para sa pandaigdig na pag-unlad, at pasusulungin ang globalisasyong pangkabuhayan.
Kaugnay naman ng mga priyoridad ng kooperasyon sa hinaharap, ipinahayag ni Xi, na sinang-ayunan ng iba't ibang panig, na palakasin ang connectivity ng imprastruktura, pabilisin ang pagtatatag ng mga economic corridor, palawakin ang tsanel ng pangangalap ng pondo, at pasulungin ang pagpapalagayan ng tao.
Ipinahayag din ni Xi, na pangmatagalan ang Belt and Road Initiative, at maraming bagay ang dapat gawin sa hinaharap. Ipinalatastas niyang sa taong 2019, idaraos ng Tsina ang Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |