|
||||||||
|
||
Si Senador Alan Peter Cayetano sa magkakasanib na preskon sa Beijing
Beijing, Tsina--Sa preskon na idinaos, Linggo, Mayo 14, 2017, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi dapat maging sagabal ang isyung pandagat sa pag-unlad ng relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Aniya, palalakasin ng Belt and Road Forum for International Cooperation ang relasyong pang-ekonomiya at pang-imprastruktura ng Pilipinas at Tsina, at lahat ng bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Sinabi niyang malaki ang espasyo para sa pag-unlad ng pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina para makinabang ang mga mamamayan ng dalawang panig.
Si Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry sa magkakasanib na preskon sa Beijing
Ayon naman kay Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry, talagang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative.
Dagdag niya, nais ibahagi ng Tsina ang yaman at eksperiyensiya nito sa pagpapaunlad ng bansa.
Aniya pa, dahil sa estratehiyang tinatahak ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagsisimula na ngayong umunlad ang maraming sektor ng ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng turismo, trabaho, medisina, pangangalaga sa kalikasan imprastruktura at marami ang iba.
Si Delfin Lorenzana (gitna), Kalihim ng Tanggulang Bansa, sa magkakasanib na preskon sa Beijing
Ayon naman kay Kalihim Delfin Lorenzana ng Kagawaran ng Tanggulan ng Pilipinas, maraming kasunduan ang nakatakdang mapagkasunduan ng dalawang bansa, kasama na ang posibleng pagkakaloob ng mga "military hardware."
Ulat: Rhio
Edit: Jade
Larawan/Web-editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |