Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Armadong Maute at Abu Sayyaf, nagsanib sa pagsalakay sa Marawi City

(GMT+08:00) 2017-05-24 14:59:50       CRI
SUMALAKAY ang may 100 armadong tauhan ng Maute Group at Abu Sayyaf sa lungsod ng Marawi kahapon ng hapon at nasawi ang isang pulis at dalawang kawal samantalang 12 iba pa ang sugatan.

Photo taken on a Sunday Mass at St. Mary's Cathedral in Marawi City. This church was burned by the Maute/Abu Sayyaf Group last night according to Bishop Edwin Angot De la Pena, MSP. File photo from Dondie Cabigas

Sinalakay ng grupo ang Amai Pakpak Hospital na pinatatakbo ng Department of Health at ang St. Mary Cathedral samantalang ginawang hostage si Fr. Chito Suganob, vicar general ng Prelatura ng Marawi, ang kalihim at ingat-yaman ng simbahan, dalawang mag-aaral at dalawang babaeng namumuno sa nobena ng Mary Help of Christians.

Ayon kay Bishop Edwin Angot Dela Pena ng Marawi, tinawagan siya ng pinuno ng mga armado kagabing ika-pito't kalahati ng gabi gamit ang telepono ni Fr. Suganob at humiling na tawagan ang mga kawal sa Marawi City upang mapigil ang mga operasyon laban sa kanilang grupo.

Idinagdag ni Bp. Dela Pena na nagbanta ang pinuno ng grupo na papatayin ang mga bihag kung hindi mapipigil ang operasyon laban sa kanila.

Bilang pagtugon, tinawagan niya si Arsobispo Romulo dela Cruz ng Zamboanga na naging daan upang makausap niya si Major General Carlito G. Galvez, Jr., commanding general ng AFP Western Command at ipinarating ang kahilingan ng mga armado.

Sinubukan niyang tawagan ang telepono ni Fr. Suganob pasado ikawalo ng gabi subalit wala ng sumasagot, dagdag pa ni Bp. Dela Pena.

Maghahatinggabi ng mabatid niyang sinunog na ang Simbahan ni Sta. Maria tulad ng piitan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>