|
||||||||
|
||
MULA sa Moscow, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na inutusan siya ni Pangulong Duterte na sabihing naidineklara na niya ang Martial Law sa buong Mindanao kasunod ng pagsalakay ng mga kasapi sa Maute sa ilang mga tanggapan at bahay-kalakal sa Marawi.
Sa naturang ding briefing, sinabi ni Secretary Delfin Lorenzana na magdadala ng arrest warrant ang pinagsanib ng koponan ng mga autoridad kay Isnilon Hapilon subalit sinalubong ang mga kawal at pulis ng putok.
Ani G. Lorenzana na nagsimulang pumasok ang mga armado mga pasado ikalawa ng hapon at nakapasok sa pagamutan, sa City Hall, at sa ang maliit na bahagi ng Mindanao State Univesity.
Sinunog din ng grupo ang St. Mary's Church, ang city jail at Noynoy Aquino school at Dansalan College.
Nakatakdang dumating ang mga kawal mula sa AFP Western Mindanao Command upang makatulong sa operasyon ng mga kawal na napapalaban ng putukan sa mga Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City.
Sa panig ng pulisya, sinabi ni C/Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP sa Campo Crame, madaragdagan ang mga kawal mula sa 6th Infantry Division sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at pulisya mula sa ARMM Regional Headquarters sa Parang, Maguindanao.
Sa isang pahayag, sinabi ni C/Supt. Carlos, pinahahalagahan nila ang kaligtasan ng mga mamamayan kaya't gagawin nila ang magagawa upang mailigtas ang mga bihag.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |