Dalawang "CRH6F EMU (Electric Multiple Units) Inter-city Trains" ang naihatid kahapon ng CRRC Qingdao Sifang Co., Ltd sa lokal na pamahalaan ng lunsod ng Ningbo. At sa malapit na hinaharap, opisyal na maisaoperasyon ang CRH6F EMU sa pagitan ng Ningbo at Yuyao.
Ang CRH6F EMU Inter-city Train ay kauna-unahang EMU inter-city train ng Tsina, na may bilis na umaabot sa 160 kilometers per hour. Ito ay sinasaliksik at pinapaunlad ng CRRC Qingdao Sifang Co., Ltd. May komprehensibo at nagsasariling karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) ang CRRC Qingdao Sifang Co. Ltd sa CRH6F EMU.