|
||||||||
|
||
Mayo 25, 2017 – Tinukoy ni Wachira Pengjuntr, Deputy Director-General ng Ministri ng Kalusugan ng Thailand na ang durian ay mayaman sa bitamina, mineral, potassium, at carbohydrate.
Bagamat nakakabuti aniya ang mga ito sa katawan ng tao, binalaan niya ang mga taong may nephrosis, diabetes, mataas na presyon, at sakit sa puso na maghinay-hinay sa pagkain ng prutas na ito.
Bukod dito, hindi rin dapat aniyang uminom ng alak kapag kumakain ng durian, dahil maaring mahilo, magsuka, mamanhid ang mga kamay at paa, at iba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |