Ayon sa ulat kahapon, Mayo 28, ng China National Narcotics Control Commission(NNCC), sa kooperasyon nila ng Narcotics Control Bureau of the Ministry of Public Securtiy, Anti-Smuggling Bureau ng China, Custom General Administration of China (CGAC) at mga may kinalamang departamento ng Pilipinas, nalutas ang isang napakalaking kaso ng cross border drug smuggling. Nasamsam ang 604 kilogram na crystal meth sa Valenzuela at naaresto ang 13 suspekt na kinabibilangan ng isang Pilipino.
Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng NNCC, na ang matagumpay na paglutas sa nasabing kaso ay isang importanteng bunga ng kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa pagbibigay-dagok sa drug smuggling sapul nang lagdaan ng dalwang bansa ang kasunduang kooperatibo noong Oktubre, 2016. At aniya pa, patuloy at ibayo pang palalakasin ng law enforcement department ng Tsina at Pilipinas ang kanilang kooperasyon para mapigil ang cross border drug smuggling.