Ipinahayag kamakailan sa Jakarata ni Thomas Trikasih Lembong, Puno ng Koordinadong Lupon sa Pamumuhunan ng Indonesya ang pag-asang sasamantalahin ng kanyang bansa ang pagkakataong dulot ng Belt and Road Initiative para isakatuparan ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.
Aniya, nananatiling matatag at mabilis ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Indonesya, at mabilisang lumalaki ang pamumuhunan ng Tsina sa Indonesya.
Ayon sa estadistika, sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking trade partner at pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan ng Indonesya. Samantala, idinagdag niyang mula noong 2016, ang Tsina ay nagsisilbing ikatlong pinanggagalingan ng mga pondong dayuhan, sa Indonesya.