MAKATITIYAK ang madla na sapat ang mga tauhan ng pamahalaan sa Marawi City. Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Brig. General Restituto Padilla, Jr., spokesman ng Armed Forces of the Philippines sapat ang kanilang mga tauhan upang tumugon sa pangangailangan.
Layunin nilang malinis ang Marawi City ng mga armado na nagtatago pa sa lungsod. Kasama rin sa prayoridad ang paglilikas sa mga mamamayang napagitna sa labanan. Mas makabubuti umanong sumuko ang mga armado upang matapos na ang pagdanak ng dugo.
Niliwanag din niya na sampung kawal at 'di 11 ang nasawi sa pagbabagsak ng bomba ng eroplano ng Armed Forces of the Philippines.