|
||||||||
|
||
KUMPIRMADO ng Department of Finance na dati nilang kawani si Jessie Javier Carlos na napatalsik sa kanyang trabaho sa kautusan ng Office of the Ombudsman.
Dating Tax Specialist 1 si Carlos sa One-Stop Tax Credit at Duty Drawback Center ng Deparment of Finance.
Inireklamo siya ng Revenue Integrity Protection Service ng Department of Finance sa hindi pagsasabi ng totoo sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth na kilala sa pangalang SALN.
Ayon sa 17 – pahinang desisyon na natanggap noong ika-25 ng Abril 2014, pinatalsik si Carlos ng Ombudsman sa salang Grave Misconduct at Gross Neglect of Duty sa hindi pagsasama ng kanyang lupa't bahay sa Maynila sa SALN noong 2003 hanggang 2006. Hindi rin isinama ang kanyang Toyota Innova sa kanyang 2007 SALN at ng kanyang mga kalakal noong 2010.
Nabatid na si Carlos ay nagkaroon ng kitang umabot sa P 2,460,156.00 mula noong 2001 hanggang 2011 samantalang nakabili ng dalawang lupang sakahan sa Tanauan city, Batangas sa halagang P 4 milyon noong 2010. Cash ang ibinayad sa transaksyon.
Napuna rin ng Ombudsman ang kanyang malaking utang. Umabot mula sa P 600,000 hanggang P 4 milyon ang kanyang utang sa credit card at 'di nabayaran sa loob ng ilang taon. Lumaki pa ang utang at nagkaroon ng P 5 milyon noong 2010. Sa likod ng pagkakautang na ito, nakabili pa siya ng isang Starex van na nagkakahalaga ng P 1.6 milyon noong 2010.
Isyu para sa Department of Finance ang malaking pagkakautang na wala namang negosyo ayon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth noong 2010. Isyu pa rin ang taong nagpautang sa kanya ng malaking halaga ng walang kabayaran ni isang kusing sa loob ng ilang taon.
Itinago umano ni Carlos ang kanyang 'di maipaliwanag ng yaman. Sa pagkakapatalsik sa kanya, hindi na rin siya nakatanggap ng kanyang retirement benefits at 'di na makababalik pa sa pagliingkod sa pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |