|
||||||||
|
||
NAGANAP SA RESORTS WORLD MANILA, ISOLATED CASE. Ito ang sinabi ni PCOO Secretary Martin M. Andanar sa isang exclusive interview. GInagawa ng pamahalaan ang lahat upang manatiling ligtas ang mga turista sa bansa. (Melo M. Acuna)
IKINALUNGKOT ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang naganap sa Resorts World noong nakalipas na linggo. Sa isang panayam sa kanyang tanggapan sa Radio-TV Malacanang, sinabi niyang tumutugon ang pamahalaan sa pangangailangan ng mga banyagang turistang dumadalaw sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ni Tourism Secretary Wanda Teo, kinausap na niya ang mga kinauukulan upang humupa ang kanilang pangamba hinggil sa kapayapaan sa bansa.
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Tourism sa iba't ibang sektor at nagsasabing maayos ang lagay ng Pilipinas at ang naganap sa Resorts World Manila ay isang isolated case lamang.
Sa nagaganap sa Marawi City, sinabi ni Secretary Andanar na ang problemang dulot ng ISIS ay nakikita sa halos buong daigdig. Mangangailangan ito ng pagtutulungan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |