|
||||||||
|
||
DEKLARASYON NG MARTIAL LAW, ANGKOP SA MINDANAO. Sinabi ni G. Ramon Casiple ng Institute for Political and Economic Reforms na angkop lamang ang deklarasyon ng Martial Law upang maibalik ang kaayusam sa Marawi City at kalapit pook. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Ginoong Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Economic Reforms (IPER), na malaki ang posibilidad na may koneksyon ang mga rebelde sa Lanao del Sur sa industriya ng bawal na gamot tulad ng pagkakaroon ng mga laborataryo ng shabu na protektado ng mga opisyal na lokal.
Bagaman, may balitang nagmula ang salapi ng mga nag-aklas at mula sa ilegal na droga. Malaki rin ang posibilidad na ang salaping ginamit sa recruitment at pagsasanay ng maraming tao sa panig ng mga rebelde ay mula sa illegal drugs. Kung mayroon ding katotohanan ang pagpupuslit ng mga mamahaling sandata ay maaaring pinondahan ng mga mula sa labas ng bansa. Maaaring hindi ISIS ang nasa likod subalit mula ito sa mayayamang samahan.
Hindi na umano siya nagugulat sa balitang may mga banyagang sangkot sa mga sagupaan.
Layunin ng mga grupong sumalakay sa Lanao del Norte at sa ilalim ni Isnilon Hapilon ay nais makilala ng mga orihinal na ISIS. Bukod sa kanilang pagtatangka, kailangan nilang magtagal sa Marawi City upang paniwalaan sila ng ISIS.
Angkop lamang ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao upang maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |