|
||||||||
|
||
ANG grupo ng mga mambabatas na kinabibilangan ni Albay Congressman Edcel Lagman ay dumulog sa Korte Suprema at nagtatanong ng legalidad ng deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Nais nilang pawalang-saysay ng hukuman ang Proclamation No. 216 sapagkat walang sandigan ang deklarasyon.
Kasama niyang dumulog sa hukuman sina Congressmen Tomasito Villarin, Gary alejano, Emmanuel Billones, Teddy Brawner Baguilat, Jr., Raul Daza at Edgar Erice.
Anang mga mambabatas, wala namang paghihimagsik o pananakop sa republika na kailangan sa deklarasyon ng Martial Law tulad ng pagsusupinde ng writ of habeas corpus sa Marawi City at iba ang bahagi ng Mindanao upang magkaroon ng warrantless arrests.
Ang naganap na sagupaan sa Marawi City ay naganap sa pagkakanlong ng Maute Group kay Isnilon Hapilon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |