Si Ginoong Wang ay isang businessman galing sa probinsyang Changchun sa dakong hilagang silangan ng Tsina, noong Mayo, dahil sa tulo sa garahe, nabasa ang maraming bagay dito at sa paglilinis, nakita niya ang 160 libong yuan RMB (mga 22857 USD) na inilagay niya roon isang buwan na ang nakalipas. Grabeng inamag na ang mga pera, kaya pumunta siya sa ilang bangko pero hindi na ito puwedeng palitan.
Noong Mayo 25, pumunta siya sa Industrial and Commercial Bank of China(ICBC), at mayroong isang matandang clerk na may 30 taong karanasan sa pagbilang at pag-recognize ng mga nasirang pera. Inaalis niya ang mga amag sa pera sa tulong ng kumukulong tubig nang 2 beses, tapos, pagkaraan ng halos 3 oras na pagsusuri, palitan niya ang 159.9 libong RMB (22842 USD) para kay Ginoong Wang.