|
||||||||
|
||
Gaganapin sa Beijing ang solo exhibition ng artistang Tsino na si Li Hongbo. Sa pamamagitan ng mga istatuwang papel, ipapakita sa nasabing eksibisyong pinamagatang "Dagat ng Bulaklak" ang ganda at luningning ng mga bulaklak, at mga lihim na pinsalang dulot ng mga ito.
Si Li Hongbo ay kilalang kilala sa kanyang lifelike paper sculptures. Ang kanyang likhang-sining ay yari sa papel at kola, at itinanghal na minsan sa mga museo sa iba't ibang sulok ng mundo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |