|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "7 Day Daily" ng Myanmar, ipinahayag kamakailan ni Zaw Aung, opisyal ng Ministri ng Koryente at Enerhiya ng Myanmar, na isasapubliko ng kanyang bansa ang energy policy kung saan nakapaloob ang 10 probisyon.
Ang nasabing polisya ay binalangkas sa ilalim ng pamumuno ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng bansa. Layon nitong tipidin ang enerhiya at iharap ang mga preperensyal na mungkahi tungkol sa enerhiya.
Magugunitang mula noong 2013, sinimulang balangkasin ng Myanmar ang pambansang patakarang pang-enerhiya at isinapubliko noong Enero, 2015, ang kaukulang patakaran at regulasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |