Ipinaalam Huwebes, Hunyo 15, 2017, ng Pamunuan ng Tropang Pandepensa ng Myanmar na natuklasan na ng mga search and rescue team ang bahagi ng buntot ng bumagsak na military transporter sa silangang rehiyong pandagat ng Andaman Sea. Ito ang unang pagkakataong natuklasan ang labi ng pangunahing bahagi ng eroplano.
Noong ika-7 ng buwang ito, bumagsak ang isang transporter ng panig militar ng Myanmar. Ang nasabing eroplano ay may lulang 122 katao na kinabibilangan ng 35 sundalo, 73 kamag-anakan ng mga sundalo, at 14 na crew. Nauna rito, ipinatalastas ng panig militar na natuklasan ang isang gulong, dalawang life jacket, ilang travel bag, at 90 bangkay ng mga nasawi sa nasabing eroplano.
Salin: Vera