Ayon sa pahayag ng hukbong pandagat ng Amerika, narekober na ang bangkay ng ilang marino ng USS Fitzgerald, pagkaraan ng banggaan ng barkong ito at isang container ship na may pambansang watawat ng Pilipinas, na naganap kahapon, Sabado, ika-17 ng Hunyo 2017, sa karagatang malapit sa Hapon.
Ayon sa pahayag, ang naturang mga bangkay ay narekober sa nasirang bahagi ng barkong Amerikano. Pero, hindi nito isiniwalat ang konkretong bilang ng mga narekober na bangkay. Nauna rito, sinabi ng panig militar ng Amerika, na 7 marino ang nawawala sa naturang aksidente.
Hanggang sa kasalukuyan, walang naiulat na kasuwalti sa barko ng Pilipinas. Sinisiyasat naman ng panig Hapones at Amerikano ang sanhi ng aksidente.
Salin: Liu Kai