Ipininid kahapon, Linggo, ika-18 ng Hunyo 2017, sa Kunming, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, ang 7-araw na 2017 South and Southeast Asia Commodity Expo and Investment Fair.
Lumahok sa aktibidad ang mahigit 4 na libong bahay-kalakal mula sa 86 na bansa at rehiyon ng daigdig, na kinabibilangan ng 33 sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road.
Nilagdaan ang mga kontrata ng 32 proyekto ng paggamit ng puhunang dayuhan, at 10.7 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng mga ito. Narating naman ang 4 na proyekto ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ibang bansa, at 3.5 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng mga ito.
Salin: Liu Kai