BEIJING, Hunyo 20, 2017—Kaugnay ng nakatakdang pagdaraos ng Unang China—US Diplomatic and Security Dialogue sa Ika-21 ng Hunyo sa Washington D.C., ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tatalakayin ng dalawang panig ang hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Binigyan-diin niyang nakahanda ang Tsina na pasulugnin ang pagkakamit ng bunga ng Unang China-US Diplomatic and Security Dialogue.
salin:Lele