Lumipad nitong Lunes hapon, Hunyo 26, 2017, ang direct flight mula China Fuzhou Changle International Airport patungong Kuala Lumpur, Malaysia. Ito ang kauna-unahang direct flight sa pagitan ng nasabing dalawang lunsod na isinagawa ng Malaysia Airlines.
Napag-alamang ito ay isa pang regular na rutang panghimpapawid mula Fuzhou hanggang Kuala Lumpur na lilipad tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula Fuzhou.
Sa kasalukuyan, may 103 rutang panghimpapawid sa loob at labas ng bansa ang Fuzhou Changle International Airport na nagtutungo sa 75 lunsod ng buong mundo.
Salin: Li Feng