Beijing — Binuksan Miyerkules, Hunyo 28, 2017, ang Ika-2 Pulong ng Non-governmental Forum ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pagbati sa pagdaraos ng pulong.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng CICA. Aniya, nitong 25 taong nakalipas, nagkakaloob ito ng magandang plataporma para sa pagpapalakas ng pagkokoordinahan, pagpapalalim ng pagtitiwalaan, at pagpapalakas ng kooperasyon ng iba't-ibang kaukulang panig. Ito ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng community of common destiny for all mankind, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng