Ipinahayag Hunyo 27, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang ilalabas ang mapagkaibigang signal sa isa't isa ng Hilagang Korea at Timog Korea para sa pagpapahupa ng kalagayan sa Peninsula ng Korea, at pagpapanumbalik ng negosasyon ng dalawang panig.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng pamahalaan ng Timog Korea na magbibigay ito ng mga medical material na nagkakahalaga ng 1.7 milyong dolyares sa Hilagang Korea.
Ani Lu, ang pagpapasulong ng rekonsilyasyon sa peninsula ng Korea ay hindi lamang angkop sa pundamental na interes ng Hilagang Korea at Timog Korea, kundi makakatulong din sa pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magbigay-tulong sa usaping ito.