|
||||||||
|
||
Kaugnay ng usapin ng pagsali ng mga dayuhang bahay-kalakal sa reporma ng Tsina sa pambansang kabuhayan, sinabi ni Li na winewelkam ng Tsina ang maiaambag ng mga dayuhan sa proseso ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Sinabi pa niyang ibayo pang paluluwagin ng Tsina ang limitasyon sa pagpasok ng dayuhang pondo sa mga industriya, at patuloy na pasusulungin ang pagpapadali ng proseso ng pagnenegosyo.
Ipinahayag ni Li na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at dayuhan para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon para sa kanila.
Dumalo sa naturang diyalogo ang mga namamahalang tauhan ng mahigit 200 malaking pandaigdigang bahay-kalakal. Ipinahayag nila na dapat samantalahin ng mga pandaigdigang bahay-kalakal ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina at pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |