|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur—Idinaos Linggo, Hulyo 2, 2017 ang Aktibidad ng Pagpapalitan ng Tsina at Malaysia hinggil sa Kulturang Mazu.
Si Mazu ay maalamat na Diyosang Pandagat na pangunahing sinasampalatayahan sa mga rehiyong pandagat sa dakong timog-silangan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Ang nasabing aktibidad ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Templo ni Mazu ng Putian, lalawigang Fujian at Thean Hou Temple (Templo ni Mazu) sa Kuala Lumpur.
Layon ng aktibidad na pasulungin ang kulturang Mazu sa pagitan ng dalawang bansa sa ilalim ng Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Noong 2009, ang pananampalataya kay Mazu ay inilakip bilang intangible heritage ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO). Ayon sa di-kompletong pagtaya, lampas sa 5,000 ang bilang ng mga Templo ni Mazu sa buong daigdig at umabot sa 200 milyon ang bilang ng mga mananampalataya.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |