Linggo, Hulyo 2, binuksan sa Shanghai Symphony Orchestra ang Shanghai "Music in the Summer Air" (MISA) Festival.
Sa seremonya ng pagbubukas, iniharap sa publiko ang "Tunog ng Tag-init," isang instalasyong pansining na espesyal na idinisenyo para sa kasalukuyang MISA. Ang pinanggagalingan ng inspirasyon ng nasabing instalasyon ay iba't ibang tunog ng likas na kapaligiran sa tag-init. Binubuo ito ng 2,400 gawang-kamay na kulungan ng kriket.
Sa panahon ng 2-linggong MISA, ihahandog ng mga orchestra at grupong Tsino't dayuhan na kinabibilangan ng New York Philharmonic Orchestra, Shanghai Symphony Orchestra, Jazz at Lincoln Center at iba pa ang mahigit 20 konsyerto na may iba't ibang estilo.
Salin: Vera